Inihayag ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na maayos at mapayapa ang isinagawang plebisito sa Maguindanao.
Ayon kay NAMFREL chairman Lito Averia, wala silang naitalang incident report o mga hindi kanais-nais na insidente.
Samantala, sinabi rin ni Comelec chairperson George Garcia na hindi lamang naging generally smooth at peaceful ang naturang plebisito kundi ito rin ay may mataas na voter turnout.