Walang malinaw na basehan ang disqualification case na isinampa laban kay Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ito’y ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez at aniya upang maging diskwalipikado ang isang kandidato ay dapat na nahatulan ng isang krimen na may kinalaman sa “moral turpitude” o isang pagkakasala na may hindi bababa sa 18-buwang pagkakakulong.
Aniya, hindi pasok sa criteria si Marcos, at walang malinaw na batayan para sa disqualification case.
Mababatid na ilang grupo at personalidad na kilalang malapit sa Liberal Party ang nagsumite ng petisyon sa poll body para kanselahin ang Certificate Of Candidacy (COC) ni Marcos dahil sa umano’y “false material representation” na nagmula pa sa kasong tax evasion noong 1995.
Bilang tugon dito, sinabi Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hihintayin muna nila ang kopya ng petisyon bago nila ito sagutin sa tamang oras at maayos na paraan.
Sa isang panayam, sinabi naman ni Marcos hindi natitinag siya natitinag sa inihaing diskwalipikasyon laban sa kanya at tuloy pa rin aniya ang kanyang hangarin na tumakbo bilang Pangulo sa 2022.