Iniatras na ni Kapuso actress Sunshine Dizon ang reklamong paglabag sa anti-violence against women and their children at concubinage na isinampa niya laban sa dating asawang si Timothy Tan.
Kasunod na rin ito nang isinumiteng letter of desistance na isinumite ni Sunshine sa Quezon City Prosecutors Office noong Huwebes.
Sinabi ni Sunshine na iniurong niya ang mga kasong isinampa laban sa dating asawa para maprotektahan ang relasyon ng kanilang dalawang anak sa kanilang ama.
Bagamat iniurong niya ang mga kaso nais ni Sunshine na mapawalang-bisa na ang kanilang kasal na nangangahulugang hindi niya mapagbibigyan ang kagustuhan ng kanilang mga anak na mabuo muli ang kanilang pamilya.
Abala naman si Sunshine sa kanyang serye na Ika-anim na Utos kung saan gumaganap siyang asawa ni Gabby Concepcion na nagkaroon ng kabit sa katauhan naman ni Ryza Cenon.
By Judith Larino