Ibinasura ng Quezon City Trial Court (QRTC) ang isinampang kasong tax evasion ng BIR o Bureau of Internal Revenue laban kina dating Congressman Juan Miguel Mikey Arroyo at asawang si Angela.
Sa desisyon ng QCRTC Branch 100, pinaburan nito ang inihaing demurrer of evidence ng mag-asawang Arroyo at sinabing hindi sapat ang ebidensyang inihain ng BIR laban sa mga ito.
Nakasaad pa sa court decision na hindi tama ang naging basehan ng BIR sa kanilang pagkwenta sa tax liabilities ni Arroyo na umaabot sa P73.85-M.
Matatandaang sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR ang mag-asawang Arroyo noong 2011 matapos umano mabigo ni Mikey na magsumite ng tamang income tax returns noong siya pa ang representative ng Pampanga.