Ibinasura ng Third Division ng Sandiganbayan ang isinampang mosyon ni dating Caloocan City Mayor Enrico Recom Echiverri at dalawa pang dating opisyal ng lungsod.
Kaugnay ito sa umanoy anomalya sa halos dalawang Milyong Pisong halaga ng drainage project sa Caloocan City.
Ayon sa Sandiganbayan walang merito ang motion to quash information at supplemental motion to quash na inihain nina Echiverri, Edna Centeno at Jesusa Garcia.
Binigyang diin ng Sandiganbayan na kumpleto ang kanilang facts of information bukod pa sa ang reklamo laban sa mga akusado ay nag constitute ng krimen.
Ang motion to quash anito ay inihahain kung ang nakasaad na reklamo ay hindi nagko constitute ng krimen at kung hindi sapat ang facts na nakalagay sa information.