Pumapalo na sa 16 na petisyon ang isinampa sa Korte Suprema kontra anti-terror law.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ang mga petisyong kumukuwestyon sa anti-terror law ay mula sa mga dating hukom ng Korte Suprema, mga mambabatas, constitutionalists, mga abogado, human rights advocates, law professors, labor groups, youth organizations, journalists at artists.
Kabilang sa mga pinakahuling petisyong inihain ay mula sa grupo nina Atty. Chel Diokno, Erin Tañda at Congressman Kit Belmonte.
Inaasahan ng high tribunal ang pagdagsa pa ng kaparehong petisyon sa mga susunod na araw at napipintong maging isa sa most challenged laws sa Korte Suprema ang anti-terror act of 2020.
Ang cybercrime prevention act of 2012 ay humarap sa 15 petisyon at 14 na petisyon naman ang inihain laban sa reproductive health law noong 2014.