Umaasa ang Laban Konsyumer Incorporated (LKI) na mabibigyan ng nararapat na panahon ng ERC si dating Commissioner Alfredo Non kaugnay ng isinampa nitong reklamo laban sa Meralco.
Ayon kay LKI President Vic Dimagiba, ito ay upang maipaliwanag ni Non ang pinagmulan o batayan ng inihain nitong reklamong overcharging laban sa nabanggit na power utility company.
Sinabi ni Dimagiba, bagama’t maituturing na magandang balita ito para mga konsyumer, kinakailangan pa rin ng mga karagdagang detalye hinggil sa kaso.
Lalo na’t aprubado naman aniya ng ERC ang ipinataw na pagtataas ng singil ng Meralco mula 2003 hanggang 2019.
Dagdag ni Dimagiba, posible ring ang puno’t dulo ng nabanggit na kaso ay ang pag-amyenda sa Epira Law o electricity power industry reform act.
It’s news to us but we need more details dahil may decision naman ng ERC na pinayagan tapos ngayon ay sasabihin mali baka nandun sa rules ng ERC ang dapat baguhin at kung babaguhin mo ang rules ang puno’t dulo nyan ito matagal na naming sinasabi na panahon na talagang i-review, irepaso yang electricity power industry reform act na ‘yan, kahit ‘yan lang hindi na maganda, reform act pero ilang refund decision ang lumabas,” ani Dimagiba. — sa panayam ng Ratsada Balita.