Mahina ang reklamong isinampa laban kay Senadora Grace Poe na kumukuwestyon sa legalidad ng kaniyang pagiging mambabatas.
Ayon kay election lawyer Atty. Romulo Macalintal, ito’y dahil lagpas na sa prescription period ang inihaing kaso ng isang Rizalito David laban kay Poe.
Sa usapin ng citizenship na ibinabato kay Senadora Poe, sinabi Macalintal na dapat inihain ni David ang kaniyang reklamo 10 araw matapos siyang iproklama bilang senador.
Ipinunto pa ni Macalintal na wala ring nag-oppose o tumutol sa paghahain ng certificate of candidacy ni Poe noong 2012 hanggang sa ideklara siyang Senador noong 2013 kaya’t lehitimo ang kaniyang pagkapanalo.
Dagdag pa ni Atty. Mac, wala ring kapangyarihan ang Senate Electoral Tribunal para dinggin ang mga usaping kumukuwesyon sa birth record ng isang kandidato tulad ni Poe.
By Jaymark Dagala