Ligtas sa coliform levels ang tubig sa bahagi ng dalampasigan ng Boracay na isinara matapos umanong dumumi ang isang bata at ibinaon sa buhangin ang diaper nito.
Ito, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay kaya’t pinabuksan na rin nila ang bahagi ng isla na una nang isinara ng 48 oras.
Sinabi ng DENR na nasa safe levels ang coliform bacteria level test sa water samples na kinuha noong Miyerkules kaya’t inalis na ang kordon kahapon ng hapon maging ang swimming ban sa lugar.
Samantala, hindi pa nakukumpirma ng mga otoridad ang identity ng mga babae sa video subalit inaalam na ito ng Bureau of Immigration.