Pahirapan ngayon ang ginagawang contact tracing ng pamahalaang lokal ng Echague sa Isabela, dahil paiba-iba ang impormasyong ibinibigay ng bagong coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient sa mga awtoridad.
Ito ang naging pag-amin ni Mayor Kiko Dy, higgil sa pahirapang contact tracing.
Ayon kay Mayor Dy, sa unang pahayag ng COVID-patient, sinabi nito na dumating siya nitong 4 ng Hunyo. Pero dalawang beses niya pa itong binago, at sinabi na 31 ng Mayo siya dumating ng probinsya.
Kasunod nito, gumugulong na ang isinasagawang legal na hakbang ng Echague LGU, para malaman kung sino-sino ang mga nakasalamuha ng naturang COVID-patient.
Samantala, iginiit naman ni Echague Mayor Kiko Dy, na hindi dapat matakot ang publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad hinggil sa isyu ng kani-kanilang pangkalusugan.