Inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isinulat ni Pope Francis sa guestbook ng University of the Santo Tomas kahapon.
Dito ay isinulat ng Santo Papa sa wikang Ingles ang mga katagang “May The Lord Bless All Those Studying and Working for a Culture of Encounter”.
Sa pagbisita ng Santo Papa sa unibersidad ay nakipagkita muna ito sa iba’t ibang religious leaders at pinangunahan ang misa para sa mga kabataan sa UST.
Hinandugan naman ng identification card o ID ng UST ang mahal na Santo Papa kung saan nakalagay ang buong panglan nito, Jorge Mario Bergoglio, may ID number na 16112015 – 0011 at adminstration ang nakalagay na posisyon.
Ang UST ay isang Pontifical University o ang administrasyon ng paaralan ay sa ilalim mismo ng Santo Papa sa Vatican.–R. Briones