Hindi raw ikinahihiya ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na may isinumite siyang listahan ng proyekto na pinapopondohan sa ilalim ng 2017 National Budget.
Ayon kay Drilon, hindi naman ito umaabot sa 300 milyong piso at nasa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagrepaso at pag – apbruba rito.
Ipinaliwanag ng Senador na ang pag-eendorso at pagsisingit ng proyekto kung kailan apbrubado na ang pambansang budget ang siyang ipinagbabawal ng Korte Suprema.
Hindi, aniya, kwestyonable kung mag-endorso man ng proyekto ang isang mambabatas habang hindi pa naaaprubahan ang National Budget dahil marereview pa ito ng kongreso at maari pa itong ma-veto ng Pangulo.
Sa kaso ni Drilon, isang Flood Control Project para sa Iloilo ang inendorso niyang proyekto.
By: Avee Devierte / Cely Bueno