Binatikos ni Akbayan Partylist Representative Tom Villarin ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Villarin, hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao kung nananatili ang Batas Militar na ipinatupad simula nang sumiklab ang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at Maute-ISIS sa Marawi City, Lanao del Sur.
Malabo rin anyang pag-usapani nila sa kongreso ang issue ng Bangsamoro kung patuloy na pinaghihinalaang terorista ang ilang mamamayan ng Mindanao.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na kanyang ipapanawagan sa Kongreso na mag-convene para sa isang special session upang talakayin ang panukalang BBL.
—-