Untimely o hindi napapanahon.
Ayon ito sa think tank group na Ibon Foundation kaugnay sa isinusulong na Charter Change ng Gobyernong Duterte.
Binatikos ni Jose Enrique Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation ang anito’y tila malabo at patagong deliberasyon ng mga mambabatas sa Constitutional amendments.
Sinabi ni Africa na kapag naisulong ang Federalismo makikita na ang kondisyon ng Pilipinas kung saan bagsak na ang national industry, hihinang agrikultura at pagtaas ng unemployment rate o mga walang trabaho.
Tiyak aniyang bababa rin ang sahod ng mga manggagawa dahil sa kagustuhang makahimok ng investors sakaling ituloy ang Federalism sa konteksto ng free market economics.