Hati ang mga senador pagdating sa panukalang corporate income tax and incentives rationalization act (CITIRA).
Ito’y makaraang kuwestiyunin ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon kung may sapat na panahon pa ba sila para pagdebatehan, amiyendahan, ipasa at mag-bicameral conference committee hearing para sa nabanggit na tax reform measure.
Aniya, anim na session days na lang ang natitira bago sila mag-adjourn sine sa unang linggo ng Hunyo.
Sinabi naman ni Senate Pres. Pro Tempore Ralph Recto na malamang maiiba na ang bersiyon ng CITIRA na kanilang ipapasa matapos ang naging impact ng COVID pandemic sa mga negosyo.