Sisikapin ng hudikatura na matapos sa Pebrero 29 ang pag-digitize sa lahat ng mga rekord ng mga korte bunsod ng isinusulong nitong paperless courts o e-court.
Sa kautusan ng Korte Suprema na nilagdaan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, saklaw ng proyektong tinatawag na “e-court” ang mga korte sa National Capital Region o NCR, Sandiganbayan, Supreme Court, Court of Appeals, Maynila, Cebu, Cagayan de Oro, Quezon City, at iba pa.
Paliwanag ng mataas na hukuman, mahalaga ang proyektong ito dahil bukod sa makakatipid ang hudikatura ay mapapabilis din ang pagpo-proseso ng mga dokumento ng iba’t ibang hukuman sa bansa.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)