Aprubado na sa House Ways and Means Committee ang panukalang batas na magbibigay ng mas mabigat na parusa laban sa sangkot sa tax racketeering at syndicated tax fraud.
Habang suportado naman ito ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr., na aniya’y malaking tulong para masugpo ang mga hindi nagpagbabayad ng tamang buwis at gumagamit ng mga pekeng resibo, returns o record na hindi bababa sa sampung milyong piso.
Kaugnay nito panawagan ng chairman ng naturang komite na si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na bumuo ng inter-agency task force na siyang maghahanap para sa department order ukol sa implementasyon ng run after fake transactions o raft program.