Suportado ng International Labor Organization o ILO ang isinusulong na memorandum of agreement ng pamahalaan sa Kuwait.
Kasunod na rin ito nang sinapit ni Joanna Demafelis mula sa kamay ng mga among Lebanese at Syrian nationals na nagtago sa kaniya sa loob ng isang freezer.
Ayon kay Claire Hobden, Technical Working Officer ng ILO Conditions of Work and Equality, isang mahalagang hakbangin ang nasabing kasunduan para na rin sa proteksyon ng mga manggagawang Pilipino at pagsasabing ang ipinadala ng Pilipinas ay mahalagang work force nito.
Makakatulong din aniya ang mga nasabing kasunduan para ma-monitor ang sitwasyon ng domestic workers at isang daan para maitaas ang standard para sa kukuning domestic workers.
Kasabay nito, naniniwala si Hobden na may iba pang paraan na uubrang gawin ng gobyernong Duterte maliban sa ipinatutupad na deployment ban sa Kuwait.
—-