Tatalakayin na sa susunod na linggo ng gabinete ang panukalang isailalim sa State of Calamity ang Boracay.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing , ipi – presenta ang naturang panukala sa kanilang cabinet meeting sa a- singko ng Marso.
Giit ni Densing , kailangan mapasailalim sa ‘State of Calamity’ ang Boracay upang mapabilis ang bidding at procurement process sa rehabilitasyon ng isla bunsod ng problema sa ‘drainage system’
Sakali kasi aniya na matapos na ang pagsasaayos sa Boracay ay inaasahan na mas dodoble pa ang daragsang turista dito.
Gayunman , sinabi ni Densing na nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan ang deklarasyon ng State of Calamity sa isla.
RPE