Hindi kumbinsido ang House Committee on Ways and Means sa paliwanag ng Department of Finance (DOF) na maliit lamang ang epekto ng isinusulong na tax reform package.
Ayon ito kay Committee Chair Dakilo Carlo Cua kayat hindi sila aniya magpapadalus-dalos sa pagtalakay at pag-apruba sa isinusulong na tax reform package ng DOF.
Sinabi ni Cua na nangangamba siya sa inaasahang inflationary effect ng nasabing tax reform package.
Batay sa naturang tax measure, itataas sa P10 ang excise tax para sa gasolina habang P6 naman ang excise tax sa diesel.
Gayunman, ipinabatid ni Cua na sisikapin nilang mailusot ang tax measure bago matapos ang taong ito o hanggang unang quarter ng taong 2017.
By Judith Larino