Itinanggi Finance Secretary Carlos Dominguez ang mga pahayag na hindi makikinabang ang mga mahihirap sa isinusulong ng Administrasyong Duterte na Tax Reform Program.
Iginiit ni Dominguez na kung mayroong isa sa mga benepisaryo ng reporma sa pagbubuwis, ito’y walang iba kundi ang mga nahahanay na mahihirap nating mga kababayan.
Paliwanag ng kalihim na kung maaayos at maipagawa ang mga lansangan, tulay at iba pang mga road infrastructure projects na maaaring makuha sa bagong tax reform package, tiyak aniyang mas maraming investment ang papasok sa bansa at magreresulta ito ng maraming trabaho.
Binigyang-diin pa ni Dominguez na ang isinusulong na tax reform ay hindi para sa pagbabayad ng utang kundi ito’y investment para sa hinaharap.
By: Meann Tanbio
Isinusulong na Tax Reform mas marami umano ang makikinabang was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882