Hinimok ni Senador Richard Gordon ang publiko na isipin na ang lahat ay positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito aniya ay para makapag-ingat ang lahat at mapahupa ang pagkalat ng sakit.
Ani Gordon, mas mabuti kung iisipin at kikilos ang lahat na parang isang COVID-19 positive.
Sinabi ni Gordon na kung ganito ang iisipin ng marami, magiging responsable umano tayo na huwag lumabas ng bahay upang hindi na makapanghawa pa sa iba.