Pinaratangan ng Estados Unidos ang ISIS o Islamic State na siyang umatake sa isang maternity ward sa Afghanistan na ikinamatay ng 24 katao, kabilang ang dalawang sanggol.
Ayon kay US Special Representative Zalmay Khalilzad, halatang ang ISIL ang responsable dito at hindi ang Taliban dahil tutol ito sa anumang peace agreement.
Matatandaang inilagay ni Afghan President Ashraf Ghani sa “offensive mode” ang militar laban sa Taliban kasunod ng nangyaring karahasan sa ospital.