Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WESMINCOM) ang ulat ng ISIS na hawak na nila ang malaking bahagi ng Marawi City, Lanao del Sur, simula nang sumiklab ang sagupaan, noong Mayo 23.
Ayon kay WESMINCOM Commander, Lt. General Carlito Galvez, paliit ng paliit ang ginagalawan ng ISIS-Maute kada araw taliwas sa pahayag ng official news agency ng teroristang grupo na Amaq.
Sa katunayan ay walumpung (80) porsyento na ng Marawi City ang nabawi ng gobyerno sa kamay ng teroristang grupo.
Tinatayang dalawandaan (200) pang miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ang na-korner na ng militar sa apat na barangay.
By Drew Nacino
ISIS claim na hawak nila ang malaking bahagi ng Marawi di totoo—AFP was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882