Hinihinalang napatay sa US airstrike ang commander ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon sa Pentagon, posibleng kabilang sa 12 pang nasawing ISIS fighters ang Georgian fighter na si Omar Al-Shishani.
Una rito, inatake ng US warplanes at drones ang ilang bahagi ng Syria upang pulbusin ang puwersa ng ISIS.
By Ralph Obina
Photo Credit: REUTERS/US. Department of State