Kinikilala na di umano ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang panunumpa ng katapatan o tinatawag na bai’ah ng isang militanteng grupo mula sa Mindanao.
Ayon ito sa The Long War Journal, isang American anti-terror blog.
Sinabi ni Ahmad El-Muhammady, isang local terrorism expert na maaaring maging daan ang pagkilala ng ISIS para sa opisyal na paglikha ng wilayat o isang probinsyang kontrolado ng ISIS.
Kahit wala pa anyang nalilikhang ISIS province, sapat nang dahilan ito upang pangambahan ang grupo.
Ang bai’ah aniya ay nangangahulugan na lahat ng utos ni ISIS leader Abu Bakar-Al Baghdadi ay kailangang sundin ng grupo.
By Len Aguirre