Patay ang isa sa mga leader ng Islamic State na si Abu Ibrahim Al-Hashimi Al-Qurayshi matapos ang pagsalakay ng US forces sa Syria.
Ayon sa US Armed Forces, pinasabog ni Qurayshi ang sarili nito habang papalapit ang mga pwersa ang mga sundalo sa kanyang compound.
13 iba pa ang namatay sa suicide bombing kabilang ang anim na bata.
Inihayag naman ni US President Joe Biden naang nasabing operasyon ang pinaka-malaking pag-atake ng Amerika simula noong 2019 sa Syria. —sa panulat ni Mara Valle