Kinumpirma ng isang Singaporean analyst na may plano ang international terrorist group na ISIS na magtatag ng kanilang kuta rito sa Pilipinas makaraang mabisto ang mga ito sa kanilang misyon sa Indonesia.
Ito’y ayon kay Dr. Rohan Gunaratna, isang security analyst na nagsabing 2014 pa sinimulan ng mga terorista ang pagkakalat ng kanilang mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng mundo partikular na sa Africa at Asya.
Nakakita aniya ang ISIS ng kakampi sa Pilipinas tulad ng Abu Sayyaf, Maute group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na isang break away group ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.
Iginiit pa ng eksperto na sinusunod umano ng Maute ang Wahhabism na isang ultra-conservative form ng Islam na nagbibigay katwiran sa pagpaparusa sa mga hindi sumusunod sa kautusan ni Allah.
By Jaymark Dagala
ISIS may planong magtatag ng kanilang kuta sa Pilipinas—Singaporean analyst was last modified: June 11th, 2017 by DWIZ 882