Patay ang marami sa tropa ng Syrian government at Islamic State Fighters sa pakikipaglaban sa government air base sa eastern Syria lugar na umano’y pinamumugaran ng mga Jihadists.
Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na dalawang car bombs ang ginamit ng Islamic state sa pinakahuling pag atake nito sa air base malapit sa syudad ng Deir al-zor.
Sinasabing 18 sundalo at 23 Islamic state fighters ang napatay.
Ang base ay isa sa mga lugar na hawak ni President Bashar Al-Assad sa eastern Syria.
Samantala, ginugunita naman ngayong araw ang ika-labing apat na taon ng 9/11 terrorist attack sa Amerika.
Ang 9/11 attack ang pinaka malaking terrorist attack sa kasaysayan ng mundo na kumitil ng halos 3,000 katao.
Labing apat (14) na taon na ring nakikipaglaban sa terorista ang Amerika.
By Mariboy Ysibido