Kinumpirma ng ilang U.S. military officials na minomonitor nila ngayon ang social media at ang mga news reports hinggil sa deklarasyon na state of emergency ng ISIS lalo sa Raqqa, Syria na self-declared capital nito.
Naniniwala ang U.S na threatened ang teroristang grupo kung kaya’t nagdeklara ito ng state of emergency.
Ayon kay Col. Steve Warren, nasa panic mode na ang ISIS dahil nakita nila na gumagalaw na ngayon ang Syrian democratic forces kasama ang Syrian Arab coalition na kapwa nag ma-manuever ngayon.
Inihayag din ni Warren na nirereposition na ngayon ng ISIS ang kanilang mga combat capabilities.
Naniniwala naman ang U.S. nanatili pa rin sa Raqqa ang ISIS leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi at gumagawa na sila ng paraan para matukoy ang lokasyon nito.
By: Mariboy Ysibido