Naglabas ang teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ng bagong audio recording ng umano’y speech ng kanilang lider na si Abu Bakr Al-Baghdadi.
Batay sa ulat ng Site Intelligence Group, laman ng sinasabing talumpati ni Al-Baghdadi ang pagtitiyak sa mga tagasuporta ng ISIS na nananatiling malakas ang kanilang grupo.
Nagbanta rin si Al-Baghdadi sa nagsabing audio recording na magpapatuloy ang isinasagawang pag-atake ng ISIS sa Canada, Europa at ibang pang mga lugar.
Ito ang unang pagkakataon na muling naglabas ng audio recording si Al-Baghdadi simula noong Setyembre ng nakaraang taon.
—-