Aktibong nagre-recruit sa lalawigan ng Basilan ang 5 dayuhang terorista na miyembro umano ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Lt. Col. Harold Cabunoc, namonitor ng intelligence operatives ng Armed Forces of the Philippines ang presensya ng mga dayuhang terorista, 3 ay Malaysian na nagpapakilalang miyembro ng ISIS.
Sinabi ni Cabunoc na si Abu Sayyaf Commander Isnilon Hapilon at ang napatay na terrorist bomb expert na si Abdul Basit Usman ang nagdeklara ng pakikipag-alyansa sa ISIS.
Ang grupo ni Abu commander Furuji indama ang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf sa Basilan na kabilang sa nagkakanlong sa 5 foreign terrorist.
Gayunman, nagtatawiran lamang aniya sa Sulu at Basilan ang nasabing mga terorista at ilan sa mga ito ay tumulong pa sa grupo ni Sulu-based Abu Commander Radulan Sahiron sa pakikipagbakbakan sa militar.