Nanawagan ngayon ang Islamic State sa lahat ng kanilang mga miyembro at mga tagasuporta na maglunsad ng malawakang mga pag-atake ngayong Ramadan.
Batay sa audio message na ipinapakalat ng tagapagsalita ng ISIS na si Abi Al-Hassan Al-Muhajer, kabilang sa mga lugar na pinatatarget ng ISIS ay ang Estados Unidos, Europa, Russia, Australia, Iraq, Syria, Iran at maging ang Pilipinas.
Matatandaang ang ISIS-inspired na Maute Group ang naghahasik ngayon ng kaguluhan sa Marawi City na naging dahilan ng idineklarang Martial Law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
By Ralph Obina
ISIS nanawagan ng malawakang pag-atake ngayong Ramadan was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882