Umatras na sa Al-Raqqa-Aleppo border, Syria ang Islamic State makaraang mapasok ng pinagsanib na Syrian Army ang kanilang kahuli-hulihang teritoryo sa bansa.
Nabawi ng mga sundalo ang maraming lugar sa al-raqqa na halos apat na taong kinubkob ng ISIS.
Walang pinalampas na oras ang mga sundalo kahit Ramadan kaya’t humantong sa matinding bakbakan ang naturang operasyon kung saan umulan ng bomba at bala.
Gayunman, hindi pa mabatid kung ilan ang nalagas o nasawi sa magkabilang panig.
Bagaman kumpirmadong nakatakas ang ISIS leader na si Abu Bakr Al-Baghdadi sa pinagtataguan nito sa Al-Raqqa, inihayag ng Syrian government na napapalibutan na ng militar ang pinaka-wanted na terorista at anumang oras o araw ay maaari itong mahuli, buhay man o patay.
By Drew Nacino
ISIS napaatras na ng Syrian Army sa Aleppo border was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882