Patuloy sa paghina ang puwersa ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon kay US President Barack Obama, ito ay dahil sa puspusang opensiba ng Amerika at mga kaalayado nitong bansa para pulbusin ang naturang teroristang grupo.
Naniniwala rin si Obama na malapit na ring mabawi ng mga kinauukulan ang Raqqa sa Syria at Mosul sa Iraq na nagsisilbing pangunahing kuta ng ISIS.
Gayunman, ibinabala naman ni Obama na dapat pa ring maging alerto ang lahat dahil sa nananatiling banta sa seguridad ang ISIS.
Ipinabatid ni Obama na target ng ISIS ang paghahasik ng karahasan sa ibang bansa dahil sa humihinang pwersa ng mga ito sa Iraq at Syria.
By Ralph Obina
Photo Credit: EPA