Nangako ngayon si Afghan President Ashraf Ghani na kanilang pupulbusin at ililibing ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na nakasagupaan ng government forces at Taliban fighters.
Ayon kay Ghani, nagkamali ng kinalaban ang ISIS dahil tiniyak nitong gaganti at gaganti dito ang Afghanistan.
Kasabay nito, nanawagan si Ghani sa lokal at iba pang mga bansa na gumawa ng mga hakbang kontra ISIS.
Una rito, idineklara na ng US State Department na isang teroristang organisasyon ang ISIS.
By Ralph Obina