Desidido si Manila Mayor Isko Moreno na ibalik sa lahat ng paaralan sa lungsod ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) program.
Binigyang diin ni Moreno sa kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Education at Manila Division of City Schools ang kahalagahan ng GMRC program sa mga kabataan na aniya’y napapanahon nang ibalik sa mga ito ang paggalang at pagmamalasakit sa isa’t isa.
Ipinabatid ni Moreno na magsasagawa siya ng information campaign tulad ng seminars para sa GMRC program sa mga mag-aaral at guro.
Bukod sa pagbabalik ng GMRC, handa ring pondohan ng city government ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) program para sa senior high schools sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming science and math laboratories.
Magugunitang binabalangkas na ng national government ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11476 o kilalang GMRC and Values Education Act.