Hindi umano tatanggihan ni Manila Mayor Isko Moreno sakaling iendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon mismo kay Moreno matapos ianunsyo ang pag-withdraw ni Sen. Christopher Bong Go ng kaniyang kandidatura para sa 2022 elections.
Ayon kay Moreno, bukas niya itong tatanggapin dahil kailangan naman niya ang lahat ng klase ng tulong mula man ito sa ordinaryong tao.
Aminado ang alkalde na mabigat ang laban na kaniyang kinakaharap at malaki ang bansa.