Nakaboto na rin si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko Standard-Bearer Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa 2022 Elections.
Sa Magat Salamat Elementary School sa Tondo, Maynila bumoto si Moreno bandang alas-11 ng umaga.
Pinaalalahanan naman ng alkalde ang mga botante na habaan ang pasensiya sa pagboto.
Samantala, napansin naman ng ilan ang hindi pagsusuot ni Moreno ng face mask habang bumoboto, na isang paglabag sa pandemic protocols na itinakda ng Commission on Elections.