Nagbitiw na bilang miyembro ng board of directors ng North Luzon Railway Corporation o NLRC si dating Manila Vice Mayor Isko Moreno.
Personal na rason ang idinahilan ni Moreno sa pagahahain nito ng irrevocable resignation na epektibo sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Moreno na ikinararangal niya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Marami aniya siyang natutunan at nakuhang karanasan sa pagtatrabaho sa isang Government – Owned and Controlled Corporation o GOCC.
Matatandaang tumakbong senador noong 2016 si Moreno sa ilalim ng tiket ng noo’y alkalde ng Davao na si Duterte.
#READ Francisco “Isko Moreno” Domagoso tenders irrevocable resignation as Chair/CEO of Northrail effective immediately. |via @sarchavez pic.twitter.com/e9o84WXpPF
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 27, 2017