Nagpahiwatig si Manila Mayor Isko Moreno ng posibleng pagtakbo sa 2022 Presidential Elections.
Ibinunyag ito ni dating senador Antonio Trillanes IV kasunod nang isinagawang prequalification process ng opposition coalition na 1Sambayan.
Tinukoy ni Trillanes si Moreno bilang “Johnny-come-lately” o bagong salta at bukas na sinusungkit ang pag-endorso ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, tinawag ni Trillanes ang mga “Johnny-come-lately” bilang oportunista dahil sumasabay lamang sa agos ng pulitika ang mga ito at nagpapalipat-lipat ng alyansa at mapagpanggap tulad ng Pangulong Duterte sa simula’t simula pa.