Mistulang pinasaringan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio at iba pang local government official.
Dahil ito sa ginagawang pag-iikot ni Duterte-Carpio sa iba’t ibang lugar kahit hindi pa panahon ng kampanya.
Sa kanyang State of the City Address o SOCA, mailap ang sagot ni Yorme sa plano niya para sa 2022 presidential elections.
Iginiit ni Moreno na abala pa siya sa pagtutok sa banta ng COVID-19 dahil kailangan ng mga Manileño ang kanilang alkalde at hindi nagpupunta kung saan-saan. —sa panulat ni Drew Nacino