Negatibo ang resulta ng drug test ni Manila Mayor Isko Moreno at ang running mate nito na si Dr. Willie Ong.
Sumailalim ang mga ito sa pagsusuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaninang umaga.
Ayon sa kay Moreno, nais nilang patunayan ni Ong na hindi sila gumagamit ng anumang klase ng iligal na droga.
Pinili rin aniya nila ang PDEA dahil ito umano ang tamang lugar o ahensya para pagsagawaan ng drug test.