Pinaalalahanan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng lungsod ng Maynila na sundin ang ipinapatupad na health protocols at manatili sa mga bahay lalo na ngayong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtaas muli ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa inilabas na datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 1, 379 ang aktibong kaso ng COVID-19 na mas mataas kumpara nuong nakaraang linggo na may kabuuang bilang na 870 bago ipatupad ang unang araw ng ECQ.
Ani Moreno, nasa animnapu’t apat na porsiyento ang occupancy rate ng COVID-19 beds sa anim na district hospital.
Habang nasa 86% naman ang occupancy rate sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta kung saan 297 covid beds na ang okupado.