Tumindi pa ang iskrima ng mga salita sa pagitan nina Presidential Spokesman Harry Roque at PhilHealth President Ricardo Morales.
Itoy matapos na muling bumuwelta si Roque sa kasagutan ni morales sa mga nauna nyang pahayag, na kung hindi kaya ni Morales na ipatupad ng universal health care law eh baka nangangailangan ang ahensya ng bagong magpapatupad ng batas.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Morales, kung nais ni Roque na mapalitan sya sa PhilHealth ay puede nyang subukang gawin ito.
Ipina alala ni Morales na spokesman ng pangulo si Roque at hindi sya ang pangulo na nag appoint sa kanya sa puwesto.
Buwelta naman ngayon ni Roque, nakakalungkot na tila pinersonal na ni morales ang isyu.
Hinikayat nya si Morales na suriin ang kanyang sarili kung naibalik ba nya ang tiwala ng mamamayan sa PhilHealth at kung ang ginagawa nya sa ahensya ay maituturing na serbisyo sa bayan.
Dapat rin anyang pag isipan ni Morales kung mas nararapat na gamitin sa ibang lugar o tanggapan ang kanyang talento.