Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang land reform area ang isla ng Boracay.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Bureau of Customs o BOC, sinabi niya na nais niyang ipamahagi at makinabang dito ang mga katutubo ng Boracay.
Para naman umano sa mga gustong umapela at gawing commercial area ang Boracay, sinabi ng Pangulo na dapat silang dumulog sa Kongreso.
Ngunit agad din inihayag ni Pangulong Duterte ang kaniyang pagtutol na gawin ang naturang isla na commercial area.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng klasipikasyon ng forest reserve at agricultural land sa bisa ng Proclamation 1064 na inisyu ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
—-