Plano ng Tourism Promotions Board o TPB na gawing hollywood destination ang isla ng Boracay.
Ayon kay TPB Chief Operating Officer Cesar Montano, plano nilang kausapin ang mga beteranong hollywood directors at producers gaya nina Mel Gibson at Quentin Tarantino at ang Taiwanese Director na si Ang Lee na gumawa ng pelikula dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Montano na kailangan lumikha ng memorandum of understanding kasama ang naturang mga personalidad upamng mai-promote ang turismo sa Pilipinas.
Inamin ni Montano na nakaapekto sa turismo ng bansa ang gulong hatid ng Abu Sayyaf kabilang sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu at Davao.
By Ralph Obina
Isla ng Boracay planong gawing hollywood destination was last modified: May 4th, 2017 by DWIZ 882