Mahigit 1,200 residente na ang nagsilikas mula sa isla ng Sao Jorge na bahagi ng Azores Group of Islands, Portugal dahil sa nagpapatuloy na lindol, simula pa noong isang linggo.
Ayon sa mga Portuguese Volcanologist, umabot na sa mahigit 14 na libo ang naitalang pagyanig sa nakalipas na pitong araw.
Indikasyon ito na maaaring sumabog anumang oras o araw ang Bocas De Fogo.
Ang biglaang pagdami ng seismic activity ay maihahalintulad sa pagsabog ng Cumbre Vieja volcano sa La Palma Island, Spain noong isang taon.