Tuluyan nang sinakop ng China ang isa pang islet ng mga coral sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ay sa gitna pa rin ng pag-apela ni Pilipinas na i-respeto ng China ang proseso at magiging desisyon ng International Arbitral Court sa The Hague, Netherlands.
Sa ulat, nag-istasyon na sa Quirino o Jackson Atoll ang aabot sa limang mga Chinese vessel para magbantay at pagbawalan ang mga mangingisdang lumalapit dito.
Ayon sa ilang mangingisda mula sa Occidental Mindoro, hinarang sila mula sa pagpasok sa lugar ng mga sasakyang pandagat ng China na naka-puwesto mismo sa loob ng lagoon.
Anila, ang naturang lugar ay matagal na nilang puntahan dahil sa masaganang huli dito ng mga isda.
By Rianne Briones