Patay ang 14 katao nang lusubin ng mga armadong kalalakihan ang isang hotel sa Seaside Capital ng Somalia
Ayon sa mga testigo binabaril na lamang basta ng mga suspek ang sinumang makita ng mga ito sa pagpasok sa hotel samantalang ang iba naman ay ginawang hostage
Inako ng Islamic Extremist group na Al Shabab ang responsiblidad sa serye nang pag atake partikular sa pinakahuli rito sa nasa Hablod Hotel
Na rescue ng mga otoridad ang karamihan sa mga hostage subalit hindi malinaw kung mayruong nasawi sa mga ito
By: Judith Larino